|
Best friends.
(via my-my-star)
To my Fellow Batchmates..
Ilang araw na lang simula ngayon, gagraduate na tayo. Eto na siguro yung paraan para maexpress ko nararamdaman ko sa batch natin. Alam kong alam niyo na hindi ako gaanong close sa ibang kabatch natin, pero AKO to ee. Si JESSICA DENISE AGPOON VALERIO na nakilala niyo simula nung araw na pumasok ako sa Athens Academy nung FIRST YEAR. Hindi ko alam kung maiiyak ka ba sa sinasabi ko o kaya maiinis or any expression. I will accept any expression na mararamdaman niyo. Basta ang gusto ko lang, mabasa niyo to dahil ginawa ko ito para sa inyo. Alam kong madrama ito, pero eto talaga nararamdaman ko ngayong araw na to, siguro nacarried away na din ako sa nabasa ko na NOTE sa fb nung isa kong friend. Mas mabuti muna kung pumunta ka sa YOUTUBE, at iTYPE ang kantang ” A Thousand Years” ni Christina Perri. At simulan mo ng basahin, pero sana wag kang tamarin basahin to dahil mahaba-haba din itong binabasa mo. START na ko. :( Nung una, pinagpipilian ko yung Taguig Science, Athens Academy at Sto.Niño Catholic School. Hindi ako nakapasa sa Taguig Science so ang choice ko na lang ung Athens at Sto. Niño. Tinatanong ako kung gusto ko ba mag-aral sa MCA or IMC kasi medyo malapit lapit na din kila mama pero sabi ko kasi kilala ko na si Edzraphil Laup, Justin Reyes, Leonard Philip Agustin at Paule Jan Campo kaya wag na lang. Naging Classmate ko sila nung Nagsummer class kami, para atleast prepared na kami sa mga lessons. First day of class nung first year, sobrang BV ako kasi, hindi ko classmate yung tatlong un dahil Aristotle sila tapos Becquerel kami ni PJ. Unang nakilala ko si Denesse Isabedra, kasi naging classmate ko na siya sa Anne Claire nung Elementary. 44 kami sa klase nun. Hindi ko lang alam sa kabilang section, 43 ata? Sunod si Jericha Rivera na hanggang ngayon andiyan pa rin para sakin. Nagkaroon kami ng grupo, kasama dun sila Patricia Tugawin, Camela Frias, Gester Reblora, Sybelle Lajo, Jenalyn Lambino, etc. May time na nagkakaaway kami, pero nagkakaayos din hanggang sa nwala samin si Camela. Hindi namin close yung mga FJMJK kasi akala namin, ang hirap nila iapproach, yung parang ang hirap nila pakisamahan dahil nga siguro first year pa lang kami nun. Enjoy din maging part ng First Year Becquerel kasi, andaming nanyareng masasaya, malungkot katulad nung sa issue na “gambling” yung mga boys dahil sa “text money”. Akala ko nung una makikick out ung mga taong naglaro nun. Pero at the end of the school year, kumpleto pa din kami kahit na ung iba, di namin inasahan na aalis. Dumating yung Second year, medyo naging close ko sila Sunshine Andaya, Krystel Araneta at Shela Masalay dahil sa summer class. Madaming lumipat ng ibang school, tapos yung mga close ko pa nung first year, nasa ibang section na kaya medyo hirap ako makipagclose sa iba nun. Mas naging close ko si Esmeralda Maraño at Gester Reblora. Lumipat si Kerr Guinanao, kaya inapproach ko siya kasi naging classmate ko din siya sa Anne Claire dati. Lumipat din sila Polly Quiñones at Myca Carbajal pero hindi ko sila close noon. Napakamemorable ng year na un sakin kasi andiyan yung adviser namin na napakaANO. Yung umagang- umaga pa lang, BV na agad, tapos may time naman na hinagis niya yung monoblock chair sa harapan. Hindi namin akalain na ganun siya kasi nung first year, kasi napakabait niya, as in favorite teacher ko pa siya. Naging close ko si Franz Jannah Mappala a.k.a NASSI. Siya kasi lagi yung kasama ko araw araw nung malapit na magtapos yung school year. Nagkaroon ng misunderstanding between groups sa room. Pero nagkaayos din naman kaming lahat. Nagsisimula na ngang umunti yung batch namin dahil sa iba’t ibang reasons. :( JUNIOR YEAR. Eto yung YEAR na SOBRANG MEMORABLE AT naENJOY ko. Mahal na mahal ko yung SECTION ko na THIRD YEAR JOULE! Syempre si Mdm. Rosemarie Salvador mahal na mahal ko din yang adviser ko na yan kahit na may isang araw na nagalit siya samin dahil nagsinungaling kami sa kanya. Lahat naman ayaw ng ganun na pinagkatiwalaan mo yung isang tao, pero sinira mo lang para lang masagip ung sarili mo from the issue. Alam naming mali yung ginawa namin kaya todo effort kami sa pagsosorry sa adviser namin, yung kada wall, stairs or pinto, may nakalagay na “SORRY MDM ROSE! :( from 3J” tapos yung dinikit namin na mga folders sa third floor na “SORRY from 3J” para lang makita niya paglabas niya ng faculty room. Nakakamiss lang yung mga bagay bagay na ginagawa namin nila Sunshine Andaya at Jannah Mappala tuwing umaga na lagi kaming late. Dahil sa year na to, nabuo yung PS also known as PADUA SISTERS dahil sa isang topic sa values. kunwariang Mother si Myca Carbajal tapos asawa niya si Darius Padua hanggang sa naging anak niya sina Sunshine Andaya, Jannah Mappala, Jessica Valerio (Ako), Angel Cantor, Sybelle Lajo at Jade Tugna. Madami dami ding magagandang memories yung nanyari sa year na to. Naging close ko yung espren ko na si Brent Pequeña, na lagi kong tinatakbuhan kapag may problema ako about kay Mark Paolo Caringal pati sa ibang bagay, lagi yang andiyan para sakin. Si Angel Cantor din, naging close ko kasi lagi din yang andiyan para sakin, kahit na minsan may misunderstanding kami. May onti ding lumipat ng ibang school kaya parang ang onti na ng batch namin. SENIOR YEAR. Eto na yung last na YEAR namin sa ATHENS ACADEMY. Nahati kami sa dalawang sections. PLATO at SOCRATES. Si Mdm. Lilybeth Dela Peña yung adviser namin, at si Mdm Anabelle Macatangay naman sa Socrates. Nung una, ayoko sa section ko kasi, kinaiinisan ko yung teacher namin, pero nagkamali pala ko kasi napakamaalalahanin niya, maalaga. Kami ang batch na kahit madaming teacher na nagrereklamo o nagagalit samin, go with the flow lang kami. Yung mga teachers na pagkapasok pa lang ng room, mainit na agad yung dugo sa section namin. Yung mga teachers na good mood pagpasok tapos magigib\ng bad mood paglabas ng room. at yung mga iba pang teachers. We never leave each other. Kapag trip ng isa, trip din ng lahat. Mga trip na nagkakantahan sa room na sinisimulan nila Dandy Abrera, Lorenzo Navoa, Yasmin Bascon, etc. Nagtatawanan, Nagbibiruan, sumasayaw ng Ma Boy sila Lorenzo Navoa, Brent Pequeña, etc. Pero kapag may problema ang isa, everyone can be each others crying shoulder kaso ang problema sa section namin, we’re not AS ONE. Kaya may isang araw na we have our OPEN FORUM, para masabi lahat nan nararamdaman namin sa isa’t isa na kahit ilang weeks na lang kaming magkakasama, magiging AS ONE kami. MAHAL NA MAHAL NAMIN ANG ISA’T ISA kahit na minsan may misunderstanding. At ngayon, APAT na araw na lang at mag-gagraduate na tayo, gusto ko sanang magTHANK YOU sa lahat ng BATCHMATES ko na naging parte ng buhay ko. Sa college, mag-iiba na tayo ng landas. Iba na yung makikita natin pagkapasok natin sa iba’t ibang room ng eskwelahan na papasukan natin. Iba na yung mga taong makikita mo pagpasok mo pa lang ng kwarto. Iba na yung lagi mong tinatambayan kapag recess o lunch. At mag-iiba na din yung mga teachers mo na kinaiinisan, gustong gusto at mahal na mahal natin. Hindi na natin maririnig yung iba’t ibang boses ng mga classmate natin sa tuwing papsok ka ng room. Wala na yung nakakairitang tawa, yung korni na joke, yung malakas magpatawa, yung mga trip sa room. Mawawala na yung asaran, harutan at kulit ng bawat isa sa room. Wala na ang mga kilala nating mukha na sasalubungin tayo ng mga mukhang nakangiti. Wala ngi Mdm.Lilybeth na sa tuwing umaga, tatanungin kung sino yung mga late. Wala ng Mdm. Lizzy na laging nagchecheck kung may cross stitch na ginagawa tayo. Wala ng Mdm.Anabelle na nakikipagkwentuhan tuwing nagtuturo siya. Wala ng Mdm Rose na naghihintay pa na maglinis tayo ng room bago magstart ng lesson. Wala ng Sir Cris na nagpapatawa at nakikipagkwentuhan sa atin kaya nagdidiscuss siya ng mga lessons natin. Wala ng Sir Leo na pagkapasok agad ng room, Sulat agad ng mga formulas na pinag-aaralan pero bihira lang yung mga kumokopya. Wala ng Mdm. Mae na nagcoconfiscate ng mga abubot sa kamay like bracelets, baller, singsing, etc. Wala ng Mdm Elorde na para sa atin, Homreroom lang tuwing nagkaklase siya. Wala ng Mdm Sol na lagi HB satin kapag may hindi nagpaparticipate sa mga gusto niyang gawin. Wala ng Mdm Vargas na may mannerism na “We will talk about the. the. the.” Wala ng Mdm. Au na laging tinatawag si Shatze at Suzzy nya. Wala na yung mga lagi mong kasama na kaasaran at katawanan mo. Nagdadaan ang panahon, lumilipas ang oras, umiikot ang mundo. MEMORIES na lang yung hindi magbabago satin. Mananatili at mananatili yun sa atin kaya gawin niyo sana yun na KAYAMANAN at wag hayaang mawala yon. Hindi naman natin kailangan magsabi ng “GOODBYE” kasi it’s not the end. yung parang hindi na kayo magkikita kahit kailan. Magkikita pa naman tayo eh, hangga’t kailan natin gusto. We just need to say na “SEE YOU SOON” kasi syempre kailangan din natin makisalamuha sa ibang tao. We need to meet new friends pero sana kahit may nakilala na tayong ibang tao, HINDING-HINDI natin makakalimutan yung mga pinagsamahan ng BATCH natin! Gusto kong pasalamatan yung mga naging guro namin na nagturo ng mga bagay na dati ay hindi namin alam. Yung mga lessons na natutunan namin hindi lang galing sa libro kundi based din sa experiences nyo samin. Mas pinapasalamatan ko yung mga naging ADVISER ko simula ng nag-aral ako nung First Year, dahil sa kanila, napuno yung mga utak namin at mga puso namin ng mga pangaral at iba pang makakatulong sa aming buhay sa susunod na kabanata ng aming pag-aaral. Hanggang dito na lang itong sasabihin ko. Wala na kong masabing iba kundi, MARAMING SALAMAT! Muli, Si Jessica Denise Agpoon Valerio pala ito. Thankyou. :( |
![]()
![]() ![]() home ask me archive themes |